Mga Numero
Ang pag-aaral ng unang sampung numero ay isang magandang paraan para simulan ang kahit anong wika. Sa Japanese, ipinakikilala rin nito sa atin ang ilang pangunahin at mahahalagang kanji. Tandaan na ang 4 at 7 ay may tig-dalawang posibleng bigkas.
| 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 |
| 一 | 二 | 三 | 四 | 五 | 六 | 七 | 八 | 九 | 十 |
| いち | に | さん | し/よん | ご | ろく | しち/なな | はち | きゅう | じゅう |
Hindi na natin kailangang matuto ng iba pang bagong numero para makabilang hanggang 99.
Halimbawa
十一 :【じゅう · いち】 – 11
二十 :【に · じゅう】 – 20
二十 一 : 【に · じゅう · いち】 – 21
三 十九 :【さん · じゅう · きゅう】 – 39
四十 :【よん · じゅう】 – 40
七十 四 :【なな · じゅう · よ ん】 – 74
九 十九 :【きゅう · じゅう · きゅう】 – 99
Magagamit natin ang mga natutunang numero para sabihin ang ating edad. Sa Japanese, kailangan nating gumamit ng iba't ibang counter para magbilang ng iba't ibang uri ng bagay. Ang counter para sa edad ay 「~ 歳」 (さい). Medyo mahirap ang kanji nito, kaya isinusulat din ito bilang 「才」 (bagaman ito ay talagang ibang character).
Halimbawa
一 歳 :【いっ · さい】 – 1 taong gulang
八 歳 :【はっ · さい】 – 8 taong gulang
十 歳 :【じゅっ · さい】 – 10 taong gulang
二十 歳 :【はたち】 – 20 taong gulang
二十 歳 :【はたち】 – 20 taong gulang
二十 一 歳 :【に · じゅう · いっ · さい】 – 21 taong gulang
四 十八 歳 :【よん · じゅう · はっ · さい】 – 48 taong gulang
七十 歳 :【なな · じゅっ · さい】 – 70 taong gulang